Adobong Pusit
- ½ kl pusit, maliit
- ½ tasa suka
- 8 butil bawang, dikdikin
- 1 sibuyas, hiwain ng maliit
- asin
- paminta
- betsin
- 1 kamatis, hiwain
Paraan ng pagluluto:
- Linisin ng mabuti ang pusit. Alisin ang malansang bahagi na nasa ulo, alisin ang tinta.
- Ilagay sa kaserola ang pusit, suka, at bawang. Lagyan ng konting asin at paminta.
- Hinaan ang apoy, takpan hanggang sa maluto ang pusit.
- Igisa ang natirang bawang, sibuyas at kamatis.
- Ihalo ang pusit at sabaw na pinaglagaan nito.
- Pakuluan ng 5-7 minuto.
- Timplahan ng asin, paminta at betsin ayon sa panlasa.
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.