Baked Macaroni Recipe
- 1 pakete ng macaroni 400 grms.
- ¼ tasa Mantika
- 4 butil Bawang, tadtarin
- 1 sibuyas, tadtarin
- 1 siling berde, hiwain ng pakuwadrado
- ½ kilo giniling na karne ng baka
- ¼ kilo Sweet ham, hiwain ng pakuwadrado
- 2 tasa Tomato sauce
- 2 kutsara Ketchup
- 2 piraso dahon ng laurel
- Asin
- Paminta
- Keso
Sauce:
- ½ tasa ng mantikilya
- 4 kutsara ng maya all-purpose flour
- 1 lata gatas, ebaporada
- 1 ½ tasa sabaw ng manok
- 1 lata Cream of mushroom soup
Paraan ng Pagluluto:
- Pakuluan ang macaroni ng ayon sa nakasulat sa pakete. Patuluin.
- Magpainit ng mantika sa kawali.
- Igisa ang bawang, sibuyas at sili.
- Ihalo ang giniling na baka at sweet ham.
- Hayaang mamula at ihalo ang tomato sauce, ketchup, laurel, asin at paminta.
- Pakuluin at hinaan ang apoy.
- Lutuin hanggang sa lumapot ang sarsa.
- Ihalo ito sa nalutong macaroni.
- Isalin sa lalagyan.
- Tunawin ang mantekilya sa isang kaserola at idagdag ang harina.
- Lutuin ng sandali at ibuhos ang gatas, sabaw at cream of mushroom.
- Palaputin. Ibuhos sa ibabaw ng macaroni.
- Budburan ng ginadgad na keso.
- Hurnuhin sa pinainit na oven 350˚F.
- Lutuin ng 20 to 30 minuto o hanggang matunaw abf keso at uminit ang macaroni.
Related posts:
- Champorado Recipe Mga Sangkap: 1 tasa bigas na malagkit 5 tasa tubig...
- Deliciously Baked Coconut Biscuit Recipe Mga Sangkap: 200 grms kinudkod na niyog 175 grms asukal...
- Lutong pang Negosyo: Doughnut Recipe Mga Sangkap: 4 ½ tasang harina 4 ½ kutsaritang baking...
- Tagalog Recipe : Stir-fried Beef Mga sangkap: 200g baka, hiniwa nang manipis 1 kutsara oyster...
- Relyenong Alimasag ( Stuffed Crab) Recipe Sangkap: 1 kilo alimasag Mantika -panggisa 2...
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.