Easy Recipe of Crispy Wontons
- 1 itlog
- 2 kutsarang tubig
- 70 wonton wrappers
- 1 tasa mantika
Palaman:
- 250 grms. Maliliit na hipon, binalatan, tinanggal ang ulo at buntot
- 450 grms. Giniling na baboy
- ¼ tasa ginayat na murang sibuyas
- 1 maliit na sibuyas, hiniwa
- 2 kutsarita patis
- 1 kutsarita paminta
Paraan ng paluluto:
- Sa paggawa ng palaman, hatiin ang bawat hipon sa 2-3 piraso. Paghaluin ang giniling, ginayat na murang sibuyas at hiniwang sibuyas. Timplahan ng patis at paminta. Haluing mabuti.
- Batihin ang itlog sa isang mangkok at haluan ng tubig. Lagyan ng 1 kutsarang palaman ang bawat wonton wrapper. Pahiran ang mga gilid ng wrapper ng egg mixture.
- Tiklupin ang mga wrapper para magkadikit ang mga gilid at mabalot nang husto ang mga palaman. Diinan para magkadikit ng mabuti.
- Mag-init ng mantika sa kawali, iprito ang mga wonton sa katamtamang init para sa tiyak na pagkaluto ng palaman, baliktarin.
- Dagdagan ng mantika kung kinakailangan. Kapag mamula-mula na ang wonton ay hanguin na sa kawali. Patuluin at ihain.
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.
Category: Tagalog Recipe
About the Author (Author Profile)
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.
