Ginataang Bilo-bilo

| March 1, 2009 | 0 Comments

Sangkap:bilo-bilo

  • 3 gatang na malagkit
  • 2 niyog, kudkurin
  • 1 tasang hinimay na langka
  • 1 dahon ng pandan
  • ½ tasa sago, luto
  • Asukal

Paraan ng pagluluto:

  1. Ibabad sa tubig ang malagkit ng kalahating araw. Gilingin.
  2. Ilagay sa tela (katsa), pigain at patuluin ng magdamag.
  3. Bilugin ang galapong ng maliit.
  4. Katasin ang kinudkod na niyog at itabi ang kakang gata.
  5. Kumuha ng 6 na tasang gata at ilagay sa kaldero.
  6. Timplahan ng asukal, at isalang sa apoy, halu-haluin para hindi mamuo ang gata.
  7. Kung kumukulo na, unti-unting ilagay ang ginawang bilu-bilo.
  8. Kung luto na ito, ilagay ang langka, sago at dahon ng pandan.
  9. Ilagay ang natirang kakang gata, pakuluin at hanguin.

No related posts.

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Tags: , , , ,

Category: lutong pang negosyo

About the Author (Author Profile)

No related posts.

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Leave a Reply