Ginisang Mais
Sangkap:
- 10 mais na puti (lagkitan)
- 1 guhit na hipon
- 1 guhit na baboy
- 1 sibuyas, hiwain
- 2 kamatis, hiwain
- 5 butil na bawang, dikdikin
- dahon ng ampalaya o dahil ng sili
- asin
- betsin
- tubig
Paraan ng pagluluto:
- Gadgarin ng pino ang mais hanggang wala ng matira sa busal.
- Hiwain ng maliliit ang baboy, balatan ang hipon at dikdikin ang mga ulo nito.
- Ilagay sa isang mangkok ang dinikdik n ulo ng hipon, lagyan ng isang tasang tubig at dikdikin ang mga ito hanggang lumabas ang katas.
- Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Ihalo sa ginisa ang baboy, timplahan ng asin. Pakuluin.
- Maglagay ng ½ tasa ng tubig, takpan at pakuluin at hayaang matuyo ang sabaw.
- Ilagay ang hipon. Ihalo ang mais at isabaw ang katas ng hipon.
- Kung luto na ang mais, dagdagan ng tubig upang magkasabaw, timplahan ng asin at betsin.
- Ihalo ang dahon ng ampalaya, pakuluin ng sandali at hanguin.
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.