Kakaibang Maruyang Saging

| March 1, 2009 | 1 Comment

Sangkap:maruya

  • 8 saging na saba
  • 1 tasa harina
  • 2 tasang tubig
  • 1 kutsara baking powder
  • 4 kutsara asukal
  • 2 kutsara atsuwete
  • mantika

Paraan ng pagluluto:

  1. Papulahin ang tubig sa pamamagitan ng katas ng atsuwete.
  2. Paghalu-haluin ang harina, baking powder at asukal.
  3. Ibuhos ng unti-unti ang pinapulang tubig, haluin habang ibinubuhos.
  4. Hiwain sa tatlo ang saging, ilagay sa plato, buhusan sa ibabaw ng 3 kutsarang tunaw na harina.
  5. Magpakulo ng maraming mantika at iprito ang maruya hanggang lumutong.
  6. Hanguin at patuluin ang mantika.
  7. Budburan ng kaunting asukal.

No related posts.

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Tags: , , , , , ,

Category: lutong pang negosyo, Meryenda at Dessert

About the Author (Author Profile)

No related posts.

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Comments (1)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. aileen says:

    hello po,

    maraming salamat po at meron po kayong menu na tagalog kasi po mas madaling maintindihan dahil sa gaya ko po lagi po ako nagmamadali . salamat po pero gusto ko po sana na makakita rin po ng marami pa pong menu nyo lalo na po yung mga pangmeryend na pwedeng ilagay sa ref na pangmatagalan po.

    salamat po sainyo

Leave a Reply