Kilawin Atay ng baboy

| February 13, 2009 | 0 Comments

Sangkap:kinilaw

  • ½ kl atay ng baboy
  • ¼ kl laman ng baboy
  • ½ kutsaritang paminta
  • ½ tasang tubig
  • ½ tasa kamatis, hiniwa
  • ½ tasang suka
  • 2 kutsarang asin
  • 5 butil na bawang
  • 1 sibuyas
  • 1 tasa labanos, hiniwa
  • Pulang sili
  • Mantika

Paraan ng pagluluto:

  1. Hiwain ng maliliit na piraso ang laman at atay ng baboy.
  2. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  3. Ihalo ang laman ng baboy at timplahan ng asin at paminta.
  4. Ilagay ang suka at tubig.
  5. Kung malambot na ang laman ng baboy, ihalo ang atay, labanos at sili.
  6. Lutuin ng ilang minuto.  Hanguin.

No related posts.

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Tags: , , , , ,

Category: Tagalog Recipe

About the Author (Author Profile)

No related posts.

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Leave a Reply