Lumpiang Isda
- 3 dalagang bukid
- 1 sibuyas, hiwain ng pino
- 1 kahon ng pasas
- ¼ tasa kintsay, hiwain ng maliit
- 2 kamatis, hiwain ng pino
- 4 butil bawang, dikdikin
- 2 kutsarang tubig
- balat ng lumpia
- patis
- betsin
Paraan ng pagluluto:
- Linisin at hugasang mabuti ang isda.
- Ipangat sa kaunting tubig.
- Kung malambot na, himayin at alisan ng tinik.
- Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Ilagay ang hinimay na isda at timplahan ng asin at betsin.
- Ihalo ang kintsay at pasaa.
- Sabawang ng 2 kutsarang tubig. Pakuluin hanggang matuyo ang tubig.
- Hanguin at palamigin.
- Putulin sa gitna ang balat ng lumpia.
- Ibalot ang ginisang sangkap, iprito hanggang maluto.
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.
Category: Tagalog Recipe
About the Author (Author Profile)
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.
