Lutong pang Negosyo: Doughnut Recipe

| October 15, 2009 | 0 Comments

Mga Sangkap:doughnut (donut) recipe

  • 4 ½ tasang harina
  • 4 ½ kutsaritang baking powder
  • 1 kutsaritang asin (pino)
  • ¼ kutsaritang nutmeg
  • ½ kutsaritang cinnamon
  • 2 kutsarang mantika
  • 1 tasa asukal
  • 2 itlog
  • 1 tasa gatas ebaporada

Paraan ng Pagluluto:

  1. Salain ang harina at takalin ng tamang dami.
  2. Ihalo ditto ang baking powder, asin, nutmeg at cinnamon.  Salain muli.
  3. Batihin sa pamamagitan ng egg beater o mixer ang mantika, unti-unting ihalo ang asukal.
  4. Patuloy na batihin hanggang sa maging mabulang-mabula.
  5. Isa-isang ihulog ang mga itlog habang patuloy na binabati.  Pagkatapos, gatas naman ang ihalo.
  6. Ang binating ito ay unti-unting isama sa harina.
  7. Haluin na lamang ng malaking kutsara at huwag nang batihin.
  8. Haluin hanggang magkapantay ang pagkakalapot ng harina.
  9. Takpan ng malinis na basahan at ipasok sa refrigerator.
  10. Palamigin sa loob ng kalahating oras.
  11. Budburan ng harina ang sangkalan o mesa at ditto ilatag ang masa.
  12. Palaparin hanggang maging ¼ pulgada ang kapal sa pamamagitan ng rolling pin o bote na bilugan ang katawan.
  13. Hulmahin sa pamamagitan ng “doughnut cutter”.  Kung walang cutter, gumamit ng takip ng lata ng margarine.
  14. Ang gitna nito ay hiwaan sa pamamagitan ng kutsilyo.
  15. Magpakulo ng maraming mantika at ditto isa-isang ihulog ang hinulmang doughnut.
  16. Hanguin kung mapula na.  Patuluin ang mantika.  Ilagay sa isang supot na may kaunting asukal at alugin upang dumikit ang asukal.

No related posts.

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Tags: , , , , , , ,

Category: lutong pang negosyo

About the Author (Author Profile)

No related posts.

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Leave a Reply