Paano magluto ng Chicken Barbecue?

| March 19, 2009 | 0 Comments

Sangkap:

chickenBBQ

  • 1 kl manok, hiwain sa nais na laki
  • ½ tasa banana ketchup
  • Bbq sticks

Pambabad:

  • ½ tasa suka
  • 8 butil bawang, dikdikin
  • 2 sibuyas, hiwain ng maliit
  • 2 sili maanghang, hiwain
  • 1 kutsara paminta
  • 1 kutsara asin

Paraan ng pagluluto:

  1. Ibabad sa tubig ang mga sticks ng bbq sa loob ng kalahating oras at itabi.
  2. Ihanda ang mga sangkap na pambabad. Paghaluhaluin ang suka, bawang, sibuyas, sili, asin at paminta. Haluing mabuti at ibabad dito ang manok ng 3 oras.
  3. Patuluin ang ,manok at itabi ang pinagbabaran. Ihalo sa pinagbabaran ang ketchup, ilagay sa kawali at pakuluin.
  4. Tuhugin ang manok. Maghanda ng pagiihawan.
  5. Ihawin ang tinuhog na manok sa magkabilang bahagi hanggang sa mamula.
  6. Kapag namula na ay pahiran ito ng itinabing pinagbabaran. Ihawin hanggang sa maluto.

No related posts.

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Tags: , , , , , ,

Category: lutong pang negosyo, Tagalog Recipe

About the Author (Author Profile)

No related posts.

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Leave a Reply