Recipe: Ice Cream Business
Mga Sangkap:
- ½ gallon pulbos na gatas
- 1 ½ gallon gata ng niyog
- 1/3 galon gatas na ebaporada
- 2 kilong asukal
- 1/3 kilo corn starch (gawgaw ng mais)
Paraan ng Pagluto:
- Paghaluin ang mga sangkap sa tulong ng mixer (o pambati ng itlog) hanggang maging mabulang-mabula.
- Ibuhos ito sa kaserola o boiler.
- Pakuluan nang 15 minuto upang mamatay ang anumang mikrobyong bacteria. Palamigin.
- Lagyan ng nais na panlasa (flavoring). Maaring vanilla, lemon o kalamansi – makukuha sa balat, chocolate, kape, mani o kasoy at iba pa.
- Ilagay ito sa freezer sa loob ng kalahating oras hanggang halos matigas (frozen nang kaunti).
- Ilabas sa freezer at batihin(ng kahoy na kutsara o ng egg beater) hanggang maging malapot na masa.
- Ilipat sa lalagyang lata. Takpan.
- Ilagay sa kahoy na lalagyan ang latang may sorbets na timplada.
- Lagyan ng maraming yelo at asin sa paligid nito.
- Maari ding gamitan ng dried ice.
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.
Category: lutong pang negosyo
About the Author (Author Profile)
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

hi.. ask ko po kung gaano kadaming ice cream magagawa ng recipe na toh.. thanks