Relyenong Pusit
- 10 pusit, malalaki
- ½ tasa hipon, tinadtad
- ¼ tasa kintsay, hiniwa
- ½ tasa singkamas, hiniwa
- 1 itlog, batihin
- 1 kutsarang harina
- 1 sibuyas, hiniwa
- 1 kamatis, hiniwa
- 3 butil ng bawang, dinikdik
- suka
- asin
- paminta
Paraan ng pagluluto:
- Linising mabuti ang pusit, alisin ang tinta, tadtarin ang ulo.
- Ibabad sa suka, asin, paminta at bawang ang katawan ng pusit.
- Igisa ang bawang sibuyas, kamatis, hipon at tinadtad na ulo ng pusit.
- Ihalo ang singkamas, kintsay at paminta.
- Ilagay sa loob ng katawan ng pusit.
- Ilubog sa itlog ang pusit.
- Isawsaw sa harina. Iprito.
Related posts:
- Relyenong Alimasag ( Stuffed Crab) Recipe Sangkap: 1 kilo alimasag Mantika -panggisa 2...
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.